Text Widgets

I no longer have a worry or nervousness about my eternal destiny..." -real stories by real teens

Monday, August 18, 2008

Kaibigan Nasaan Ka Na?


Kaibigan Nasan Ka Na?
By: emjozar

Kaibigan nasan ka na?
Saan ka nagpunta aking kaibigan?
Saan ka nagtungo’t anong pinuntahan?
Kay tagal ko nang naghanap doon at dyan,

Ngunit ‘ni anino mo’y ‘di masilayan.
Saan ka nagpunta aking kaibigan?
Pano na ako ‘pag kita’y kailangan?
Kay hirap maghanap ng maaasahan,

Na laging nandyan, oras ng kagipitan.
Kaibigan, kaibigan nasan ka na?
Anong dapat gawin upang ‘kay makita?
Halos mamaga na ang aking mga mata,

Dahil sa luhang puno ng alaala.
Bakit kaibigan ‘di ka na makita?
Saan nagpunta’t di ako isinama?
Nakalulungkot isipin at damdamin,
Umpisa pala’y langit na ang panimdim.

No comments:

Post a Comment