Ang Aking Huwaran
By: emjozar
Ang aking huwaran,
Ay ang aking tagapayo’t tagagabay,
Patungo sa isang mahabang paglalakbay,
Gamit ang iisang buhay na tinataglay.
Sabi nila’y dapat nating tandaan,
Na ang kagandahang-asal ay itanim sa isipan,
Mga masasamang gawain iyong talikdan,
at ang nagpayo nito’y ating mga magulang.
Dapat daw pinagsisikapan anumang gawain,
Mga kagandahang-aral ay marapat ding pagyamanin,
Upang mapagtagumpayan anumang adhikain,
Pagtitiyaga at pagsasakripisyo’y tandaan din.
Kabutihang loob ang pakatandaan,
Sabi rin ito ng ating mga magulang,
‘di dapat itakwil huwag na hawag talikdan,
ang mga karanasang kanilang pinagdaanan.
I wrote this one when I was (I think) first year high school
No comments:
Post a Comment