Text Widgets

I no longer have a worry or nervousness about my eternal destiny..." -real stories by real teens

Tuesday, September 6, 2011

Malaya Nga Ba Magmahal?


Malaya nga ba magmahal?
By: emjozar

Malaya tayong magmahal ng tao,
Taong malayang sabihing ‘di tayo gusto,
Pilit man nating tinatalikuran ang totoo,
Walang magagawa kundi sabihing tanggap ko.

Hindi man malimot kailangang tanggapin,
Na ang pagmamahal mo’y langit ang panimdim,
Kahit makita mo siyang iba ang kapiling,
Bulong ng isip mo’y siya’y hindi para sa akin.

Malungkot isiping kahit iyong ipaglaban,
Takbo ng tadhana’y ‘di ka pinakikinggan,
Malaya nga siyang ika’y talikuran,
Ngunit paano na ang pusong labis na nasugatan?

Susuko na lang ba ang pusong nagdurusa?
Lalayo na lang ba at pilit na kakalimutan siya?
Hindi na ba makakaya ang sakit na tinatamasa?
Malaya nga ba ang magmahal ng parusa?


I just revived this one old poem of mine. :)

No comments:

Post a Comment