Gusto Ko Pa Sana
By: emjozar
Kasabay ng ulan ang pagpagpatak ng mga luha.
"Ayoko na" sabi ng pusong kumakawala.
Ang kahapo'y tila naglaho na parang bula.
Pag-asa'y lumabo kasabay ng mga gunita.
Hindi na maibabalik ang kahapon,
Mga tawanan at iyakan na naipon,
Mga kwentuhang walang tapon,
At ang pagmamahal na ibinigay ng pagkakataon.
Ano na ba ang nangyari sa pangako?
Talaga bang lahat ay sadyang napapako?
Hindi pa ko handang sumuko,
Ngunit ang mundo'y mapagbiro.
Ayaw ko sanang mawala ng biglaan,
Ngunit kailangan ko na yatang lumisan.
Ang mga huling mensahe ay "hanggang dito na lang",
Sayang, gusto ko pa sanang ituloy ang magpakailanman.
No comments:
Post a Comment