Text Widgets

I no longer have a worry or nervousness about my eternal destiny..." -real stories by real teens

Wednesday, December 17, 2025

Byahe

Byahe
By: emjozar


Nilimot na ba ng panahon,
Ang mga byahe ng ating kahapon?
Tinalikuran na ba ang gunita,
At ang mga alaala ng ating pagsinta?

Lumilipas ang panahon,
Nauupos ang nag-iisang pagkakataon,
Na sa mundo’y mabuhay,
At kasama mong maglakbay.

Di mo na ba babalikan?
Yung magkatabi natin na upuan,
Sa bus na ating sinakyan,
Pauwi sa ating kanya kanyang tahanan.

Ang tagal din ng byahe natin,
Pero saglit na lamang ngayon kung iisipin,
Dami nating kwento,
Di nauubos sa byaheng magkasama tayo.

Di mo na ba naaalala,
Yung mukha natin non sa twina?
Yung sayang umuukit sa mata,
Di na ba natin maibabalik pa?

Ako na lang ba?
Bababa ka na?
Hindi ba pwedeng wag muna?
Wag ka munang pumara.

No comments:

Post a Comment